Bakit nakakaranas ng brow-out ang SUKELCO?
Ang brown-out na umaabot ng tatlo hanggang limang oras kada araw ay dulot ng kakulungan ng kuryente sa Mindanao.
Naging problema din ang pagkakaroon ng Preventive maintenance o pagkasira ng mga planta na siyang nagpabaab sa suplay ng
kuryente. Ang pagbaba ng suplay ng kuryente ay pangunahing dahilan ng rotational brown-outs.
Anong hakbang ang ginagawa ng SUKELCO upang matugunan ang problema sa brown-out?
Sa buwan ng Agosto. inaasahan ang karagdagang 8MW mula sa Therma South Incorporated (TSI) na maging malaking tulong
lalo na sa panahon ng tag-init. Madadagdagan pa ang suplay ng SUKELCO sa inaasahang ipapatayong 3MW embedded diesel genset ng
DMCI Power Coprporation sa Dukay Sub Station, Esperanza, Sultan Kudarat ngayong buwan ng Oktubre na siyang magsisiguro na may
back-up power sa panahon na masyadong mababa ang suplay mula sa PSALM. Para sa karagdagang suplay sa darating na 2016, malaki
ang posibilidad na kukuha ang SUKELCO ng suplay mula sa biomass power plants ng AGUMIL at KENRAM. Sa 2018 naman, may
inaasahang karagdagang 14MW mula sa GNPower Corporation na aprubado na ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Totoo ba na ang kadalasang brown-out ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ang ating binabayaran sa kuryente?
Ang pagtaas ng ating binabayaran per kwh ay nakadepende sa presyo ng kuryente mula sa mga suppliers kasama ang mga
Independent Power Producers. Kapag kulang ang sinusuplay ng NPC-PSALM, tumataas naman ang ating binibili sa TMI
(Therma Marines Corporation), isang Diesel Power Plant, kaya kapag pinaghalo sa presyo ng hydro ang gasolina, medyo mataas
ang kanyang rate impact.
Magkaganunpaman, isa ring dahilan ay ang epekto ng mga kasangkapang demotor gaya ng refrigerator at aircon. Sinasabing
ang mga kasangkapang ito ay may maximum freezing and cooling point na kapag naabot ito ay bumababa na ang pagkonsomo nito sa
kuryente. Kapag nagkakaroon ng brown-out at bumabalik pagkatapos ng mga ilang oras, hahabulin nito ang nakaset na lamig at
siyang dahilan kaya bumibilis din ang actual na konsomo nito sa kuryente.
Bakit nagkakaroon ng brown-out na hindi kasali sa scheduled-out brown-out ng coop?
Kapag nangyayari ang isang brown-out kahit pa wala na ito sa schedule na binibigay ng SUKELCO, maaring may mga
problema sa linya o distribution facilities na nagiging dahilan ng pagkawala nito. Sa mga ganitong insidente, ipagbigay alam
agad sa opisina sa pamamagitan ng ating numero, 200-3155/4050 o SUKELCO SMS Number 09985518016 – SMART/TNT or 09175357544
– GLOBE/TM upang mabigyan ng karampatang aksiyon at maisaayos ang magandang daloy ng kuryente.