Paano nabuo ang sukelco?
Ang sukelco ay nabuo dahil sa PD269 (National Electricification Decree) na isinakatuparan ng ating pangulong
ferdinand marcos at may layuning palaganapin ang elektripikasyon sa mga kanayunan. Ito ay hango sa konseptong ng rural
Electrification sa amerika an naging dahilan kung bakit binuo ang NEA(National Electrification Administration) na naging
tulay upang maisilang ang mga electric cooperative kagaya ng SUKELCO bilang isang non-stock at non-profit na kooperatiba.
Ano ang ibig sabihin ng Non-Stock at Non-Profit EC?
Sinasabing non-stock ang SUKELCO sapagkat hindi pinapahintulutan ng Batas PD 269 ang mga miyembro nito na magbayad ng
Capital Share kaya di rin ito nagbibigay ng Interest on SHare Capital (Patronage Refund). Ito rin ay non-profit dahil ang
halaga lang ng mga nagastos (Operational expenses) ang ipiapataw at kinokolekta sa ating babayarin. Walang ipinapataw na
sobra sa kinakailangang halaga para sa operasyon.
Bakit hindi nagbibigay ng dibidendo ang SUKELCO?
ayon sa PD 269, lahat ng mge electric cooperative ay non-stock kaya hindi sinisingil ang mga miyembro ng capital
share kaya wala ring interes o dibedendong binibigay. Tanging Membership Fee at Bill Deposit ang kailangan bayaran kapag
mag-apply ng kuryente ayon sa itinakda ng batas.
Anu- ano ang mga players sa Electric Industry:
a. Generation Sector ay sa ilalim ng National Power Corperation (NPC) na pinamumunuan ng Power Sectors Assets and
Liabilities Management (PSALM) at mga IPPs ang nagsusuplay ng kuryente sa Mindanao. Ito ay kombinasyon ng Hydro, Geothermal
Coal at Diesel. Dito bumibili ng kuryente ang SUKELCO na naaayon sa pangangailangan nito na sa kasalukuyan ay umaabot sa
21MW.
b. Transmission Sector ito ay nasa pamamahala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naghahatid
ng malaking boltahe ng kuryente mula sa mga generating companies papunta sa pasilidad ng ating kooperatiba> ito ang nagbibigay
ng abiso sa SUKELCO kung gaano kalaki ang suplay na gagamitin. Ito ay kailangan sundin upang maproteksyunan ang Transmission
System at maiwasan ang malawakang brown-out.
c. Distribution Sector ang tawag sa mga electric cooperative kabilang na ang SUKELCO. Ito ang naghahatid ng kuryente
mula sa mataas na boltahe hanggang sa mga industrial, commercial at residential na mgakonsumante ng kuryente.Ito ay nakadepende
sa suplay na ibinibigay ng NPC at inihahatid ng NGCP. Kapag kulang ang kuryente, kulang din ang ipamamahagi sa mga end-users
Ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ng rotational brown-outs ang SUKELCO.
Bilang Distribution Utility, anong mga bayarin ang napupunta sa SUKELCO?
Ang bill na ating binayaran sa kuryente ay maaaring passed-on (mga babayaring pinapasa sa mga konsumidor gaya ng
generation, transmission system loss, universal at VAT) at recoverable (mga babayaring kailangan kolektahin ng SUKELCO upang
naipagpatuloy ang serbisyong pang elektripikasyon gaya distribution, supply, meteringm RFSC at Franchise and real Property
tax).
Sa pangkalahatan, ito ang porsyentong napupuntahan ng ating binabayaran sa kuryente.
Bakit kailangang magbayad ng electric bill sa takdang oras?
Ito ay obligasyon ng isang konsumidor. Maliban dito, ang pagbabayad ng kuryente ay kailangan dahil sa mga sumusunod:
a. Maiwasang makapagbayad ng penalty at surcharge;
b. Upang hindi maputulan;
c. Mabayaran ng SUKELCO ang obligasyon sa NPC (National Power COrporation), NGCP (National Grid COrporation of the
philippines) at sa BIR (Bureau of Internal Revenue); at
d. Maipagpapatuloy ng SUKELCO ang pagbibgay ng serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga empleyado gayundin
ang serbisyo sa metering, billing, at customer services.
Bakit namumutol ng kuryente ang SUKELCO?
Ito ay nakasaad sa Policy 37 ng ating kooperatiba (Collection, disconnection at reconnection policy). Namumutol lamang
ng kuryente ang SUKELCO kapag hindi tayo nagbayad pagkatapus ng due date na nakalagay sa ating electric bill.
Maaari ding maputulan pagkatapus na magbigay ng abiso dahil sa pagnanakaw ng kuryente sa ilalim ng RA 7832
(Anti-Pilferage Act) at hindi binayaran ang differential billing na ibinigay ng SUKELCO.
Ang pagnanakaw ba ng kuryente ay isang krimen?
Nang naisabatas ang RA 7832 noong December 8, 1994 at ipinatupad noong January 17, 1995, ang pagnanakaw ng kuryente at
mga kawad nito ay isang ng krimen at maaaring maparusahan ng mga sumusunod:
a. Pagbayad ng differential Billing;
b. Disconnection;
c. Pagkakulong – 6 na taon 1 araw hanggang 12 na taon; at
d. Multa – P10,000 – P20,000 o parehong pagkakulong at multa.
Bakit nagbabago ang singil ng kuryente bawat buwan?
Ito ay sa kadahilanang nagbabago ang suplay na ating binibili sa mga energy suppliers gaya ng NPC-PSALM at TMI
(Thermal Marines Inc.) bawat buwan. Kapag kulang ang kuryenteng binigay ng NPC, ang SUKELCO ay kumukuha sa TMI, isang diesel
plant na nagkakahalaga ng mahigpit Php6.00 hanggang Php7.00 bawat kwh. Kata kapag pinaghalo, medyo tumataas ang presyo ng
kuryente.