Iba ang tuwang hatid sa puso tuwing makakakita ng paslit na masayang kumakain ng sorbetes. Kaya’t maliban sa pamimigay ng pang-meryenda at school supplies ay may pa-ice cream pa ang SUKELCO sa isang Pamaskong Handog o Gift Giving activity. Ang naging beneficiaries ngayong taon ay ang Pinguiaman Elementary School sa Lambayong na may higit sa tatlong-daang (300) estudyante at Lifi-lifian Elementary School sa Pamantingan, Esperanza na may halos walumpong (80) bata.
Ang Gift Giving activity na nangyari sa Lambayong noong ika-14 ng Disyembre, 2022 ay dinaluhan rin ni Dir. Mario O. Dumaguing ng Lambayong District at Engr. Edgar M. Gatmaitan, Area I Services Department Manager.
Samantalang dumalo naman sa Lifi-lifian ES noong ika-15 ng Disyembre si Dir. Joel D. Durana ng Isulan District at Dir. Rene B. Apolinario ng Bagumbayan/Sen. Ninoy Aquino District. Full force rin ang SUKELCO Area II sa pamumuno ng kanilang Manager na si Wilfredo M. Evangelista, Ph.D.
Ang naturang gift giving activities ay may pondo mula sa SUKELCO ngunit ang pamimigay ng sorbetes sa mga bata ay joint effort mula sa Synchronized Energy Multipurpose Coop (SEMCO) at Institutional Services Department (ISD) employees. Naging tradisyon na ng mga empleyadong ito ng SUKELCO na magbigay mula sa kanilang sariling bulsa upang makakita ng mga batang puno ng galak ang mga mata kahit tuwing Pasko man lamang.