Matagumpay na naidaos ang Medical and Dental Mission ngayong December 9, 2022 sa bayan ng Columbio. Mahigit sa tatlong-daan katao (300) ang pumunta sa Columbio Municipal Gymnasium kung saan idinulog nila ang kanilang problema may kinalaman sa kanilang kalusugan sa mga doktor mula sa Sultan Kudarat Provincial Mobile Hospital (SKPMH), PMA-Sultan Kudarat Medical Society (PMA-SKMS), Tacurong City Health Office (TCHO) at Columbio Municipal Health Office (CMHO).
Maliban sa libreng medical consultation ay nabigyan rin ng mga gamot ang mga benipisyaryo mula sa Aboitiz Foundation, Inc. May operation tuli at dental extraction rin na isinagawa sa mobile bus ng SKPMH.
Dumalo rin sa naturang medical mission activity upang sumuporta ang General Manager ng SUKELCO na si Claudia A. Pondales, CPA; Board of Directors Vice President Dir. Suraina M. Kalid na kasalukuyang AGM ng MAGELCO, William Pana ng Aboitiz Foundation, Columbio Vice Mayor Hon. Bai Naila M. Mamalinta; Barangay Captain Hon. Alfredo M. Maluyo; Psyche M. Sucaldito ng PMA-SKMS at TCHO at Institutional Services Department Manager Engr. Remil A. Fuyonan.
Sa muli, nagpapasalamat ang SUKELCO sa mga partners nito at sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang nasabing Medical and Dental Mission Activity. Hanggang sa muli!














