Sa wakas, dumating na ang ballot box mula sa Salumping!
Ito ang nasambit ng mga taga-suporta ni Bb. Saliao matapos ang magdamag na paghihintay para sa pinakahuling ballot box mula sa presinto ng Salumping, Esperanza. Ang Salumping ang pinamalayong barangay ng Esperanza kung saan bumoto ang mga member-consumer-owners (MCOs) ng Salumping at Legodon. Alas-sais na ng umaga ng ika-28 ng Mayo na nagkita-kita ang District Election Committee Members (DECOM) upang ipagpatuloy ang pag-canvass ng pinakahuling election returns. Matapos mabilang ang lahat ng election returns mula sa labing-siyam (19) na presinto, pormal na idineklarang nanalo si Kristine Mae P. Saliao na nakakuha ng higit sa pitumpong porsyentong (70%) boto laban sa kanyang katunggali.
Nagpapasalamat ang SUKELCO sa lahat ng mga tumulong at nagbigay ng serbisyo sa District Election sa Esperanza: sa mga gurong nagsilbing Precinct Election Committee members (PECOM), sa mga empleyadong naging third members, supervising staff at drivers, sa mga DECOM na sila G. Francisco B. Bayaras Jr., G. Esperidion C. Legayada at DECOM Chairman Atty. Remo Y. Flores, sa Esperanza PNP na nag-deploy ng kanilang mga pulis sa kada presinto, sa LGU Esperanza at sa lahat ng mga MCOs na lumbas at bumoto. Dahil sa inyo, nakakuha ang nasabing elekayon ng dalawampo’t walong (28%) porsyentong voters’ turn-out, ang pinakamataas na bahagdan na nakuha ng SUKELCO sa kasaysayan ng District Election. Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ating eleksyon. At sa ating bagong direktor ng Esperanza na si Dir. Kristine Mae P. Saliao, congratulations and best of luck!






















