ALAMIN: Saan nga ba napupunta ang ibinabayad natin sa kuryente?
Para sa buwan ng Hunyo 2026, bumaba ang ating overall residential rate sa ₱9.9916/kWh (mula ₱10.3712/kWh noong Mayo).
Upang mas lalo nating maunawaan ang ating bill, narito ang unbundled breakdown ng SUKELCO Residential Rates base sa kalakip na infographic:
GENERATION CHARGE (P5.0564/kWh):
Ito ang ibinabayad sa ating mga contracted power suppliers para sa mismong suplay ng kuryente. Ito ang may pinakamalaking bawas ngayong buwan na may -₱0.3531/kWh.
TRANSMISSION CHARGE (P1.1562/kWh):
Ito naman ang ibinabayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa pagdadala ng kuryente mula sa planta patungo sa ating system. Nagkaroon ito ng bahagyang taas na +₱0.0386/kWh.
DISTRIBUTION CHARGE (P1.8423/kWh):
Ito lamang ang bahaging napupunta sa SUKELCO para sa operasyon, maintenance, distribution, supply, at metering charges. Tandaan: WALANG PAGBABAGO ang Distribution Charge ng SUKELCO simula pa noong TAONG 2010!
GOVERNMENT TAXES / VAT (P0.8663/kWh):
Value Added Tax na direktang nireremit sa ating pamahalaan. Bumaba rin ito ng -₱0.0312/kWh.
OTHERS (P1.0704/kWh):
Kabilang dito ang Power Act Reduction, System Loss, Lifeline Subsidies, Universal Charges, FIT-ALL, at NPC Stranded Contract Costs. May bawas din ito na -₱0.0339/kWh.
Sa pangkalahatan, may kabuuang bawas na ₱0.3796/kWh para sa buwan ng Hunyo! Patuloy po tayong maging matalino at matipid sa paggamit ng enerhiya sa ating mga tahanan.








