Abot langit ang tuwa ng mga residente sa Sitio Lantang, Barangay Panoselen, Gen. S.K. Pendatun, Maguindanao dahil sa wakas ay mayroon ng kuryente ang kanilang lugar.
Isinagawa ang isang Energization program noong June 8, kasama ang pamunuan ng SUKELCO kabilang ang ating Director mula sa Lambayong na si Dir. Mario Dumaguing, Area 1 Division 2 ng nasabing sitio na si Joelhak Maneged sapagkat tatlumpu’t walo (38) na residente ng sitio ang makakatanggap ng libreng kuryente sa ilalim ng Sitio Electrification Program ng National Electrification Administration na nagkakahalaga ng kabuuang budget na P 882, 866.79.




