“Akala natin imposible. Pero posible pala.”
Kung sabagay, sino ba naman ang mag-aakala na mapapasok pala ng kuryente ang Sitio Lanao, Brgy. Keytodac, Lebak Sultan Kudarat? Bukod kasi sa medyo malayo, medyo mahirap din ang kalsada.
Ngunit sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program (SEP) ng National Electrification Administration, tatlumpo’t dalawang (32) kabahayan sa Sitio Lanao ang libreng napailawan.
Maliban kasi sa linya ng kuryente, libre din ang mga house wiring materials, libre ang installation at libre din ang mga municipal Fees kaloob ng LGU Lebak.





