Alinsunod sa pagdiriwang ng World Environment and World Ocean Day ng Department of Environment and Natural Resources, isang tree planting activity ang ginawa kaninang umaga sa Spur 2, Barangy Titulok, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ito ay dinaluhan ng mga empleyado mula sa SUKELCO Area 2 Department sa pangunguna ng ating Department Manager, Francisco L. Torres, Jr at mula sa Institutional Services Department.
Layuning ng programang ito na magpapatuloy ang greening program ng ating gobyerno at masolusyonan ang lumalalang problema sa climate change.
Ang ganitong programa ay sinusoportahan na ng ating opisina sa loob ng mahigit isang dekada.












