Buong pusong nakiisa ang Sultan Kudarat Electric Cooperative, Inc. (SUKELCO) sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tacurong sa paggunita ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na isinagawa sa harapan ng Tacurong City Hall.
Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,” layunin ng taunang selebrasyon na kilalanin ang mga bayaning lumaban para sa kasarinlan ng bansa at isulong ang pagkakaisa at pag-asa para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
Kabilang sa mga aktibidad na nilahukan ng SUKELCO ay ang flag-raising ceremony, pagsunog ng mga lumang watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga bayani kasama ang iba’t ibang sektor at ahensiya ng pamahalaan sa lungsod.
Sa pamamagitan ng pakikiisa sa ganitong mga pagdiriwang, pinatitibay ng SUKELCO ang pangako nitong magsilbi hindi lamang sa pamamagitan ng kuryente, kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at pagkakaisa.













































