Muling hinirang si Joel D. Durana bilang Direktor ng Isulan District para sa kanyang ikalawang termino matapos itong ideklarang nag-iisang kwalipikadong kandidato sa ginanap na District Election ngayong araw, ika-14 ng Hunyo, 2025.
Ang kanyang proklamasyon ay isinagawa sa opisina ng Area 2 Office, Isulan Substation kasama ang District Election Committee Members (DECOM) na kinabibilangan nina Atty. Aishettea Ace P. Moleno (Chairman), Dandy A. Loyola (Secretary) at Rima D. Magdayao (Member).
Ang naturang eleksyon ay isinagawa alinsunod sa itinakdang panuntunan ng Republic Act No. 10531 na naglalayong tiyaking maayos at patas ang proseso ng halalan sa mga electric cooperative sa bansa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Dir. Durana sa patuloy na suporta at tiwala ng mga member-consumer-owners (MCOs).
Dumalo rin sa proklamasyon ang ilang kapitan sa bayan ng Isulan na sina Jomer M. Durana- Bambad, Ramil P. Arellano-Impao, Aracelle D. Grospe- Kenram, Ramil F. Claridad- Kudanding at Jaypee Rhyan L. Taborada-Sampao kasama ang Director ng Maguindanao District, Addulrazid L. Kamag.
Inaasahang magpapatuloy ang kanyang mga proyekto na naglalayong maiangat ang mga programang pailaw sa kanyang nasasakupang distrito.




























