Limang barangay na naman ang napuntahan ng ating SUKELCO-ISD at Area II para sa ikalawang bahagi ng buwan ng Pebrero 2024 para sa SUKELCO sa Barangay. Ang mga barangay na ito sa Bagumbayan, Sultan Kudarat ay ang Kinayao at Busok (Pebrero 20). Tuka at Poblacion (Pebrero 27 at Titulok (Pebrero 29).
Sa naturang pagtitipon ay nagsagawa ng Pre-Membership Education Seminar ang SUKELCO, tumanggap ng iba’t-ibang aplikasyon tulad ng pagpapalit ng pangalan sa kuntador (Change of Account Name), Senior Citizen at Lifeline Discount, Maintenance at Kilowatt-Hour Meter Concerns at sinagot na rin ng SUKELCO ang mga katanungan ng MCOs sa lagay ng kuryente sa kanilang barangay. Kasama rin sa naging pakay ng SUKELCO ang paksa tungkol sa District Election, Annual General Membership Assembly at MCO re-organization.
Sa buwan ng Marso ay bibisitahin naman ng SUKELCO ang ilang barangay sa Pres. Quirino at Sen. Ninoy Aquino.