Mahigit isang daang pamilya ang nabiyayaan sa isinagawang community pantry ng SUKELCO ngayong araw, Marso 4, 2026 sa Barangay Lomoyon, Columbio, Sultan Kudarat.
Namahagi ng mga gulay at pangunahing pangangailangan ang kooperatiba para sa ating mga kapatid na Muslim kasabay ng pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng kaunting ginhawa sa panahon ng pag-aayuno.
Pinangunahan ito ni Suraina M. Kalid, SUKELCO Board President, kasama ang mga empleyado ng kooperatiba na boluntaryong nakiisa sa nasabing programa.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Hon. Akmad Aguil, Barangay Captain ng Lomoyon sa SUKELCO sa patuloy nitong malasakit at pakikiisa sa pangangailangan ng komunidad.
Muling pinatunayan ng SUKELCO na higit pa sa serbisyong pailaw ang hatid nito, kundi liwanag ng pag-asa at pagkakaisa para sa bawat pamilya.















































