Isa ang SUKELCO sa pinarangalan ng Philippine Rural Electric Cooperative Association (PHILRECA) sa katatapos na Annual General Membership Meeting na ginanap sa Iloilo Convention Center noong Agosto 10-12, 2022.
Ilan sa mga nakuhang parangal ay ang mga sumusunod:
Plaques of Recognition
Bronze Stellar Award
MCO Prime Participation Award
Strong Commitment to Brotherhood Award
Certificates of Recognition
Digital Transformation Award
Extra Mile Award
Legends of the Movement Award (Alvin Mark A. Labanero)
Making a Difference Award
MCO Champion Award
Outstanding Performance Award
Outstanding Radio Program Excellence Award
Unparalleled Service Award
Media Excellence Award
Ang mga parangal ay tinanggap ng ating General Manager, Claudia A. Pondales, kasama ang Board of Directors sa pamumuno ni President David L. Batayola, at mga Department Managers.
Samantala, nakuha din ng SUKELCO ang ikatlong pwesto sa Kwento ng Liwanag at Pag-asa na pinamagatang ISKO na tumutukoy sa pagsisikap at sakripisyo ng ating iskolar parang makapagtapos at makamit ang kanyang pangarap.
Pinarangalan din ng Excellence in Leadership Award si Jonathan A. Leysa, CCSMO Section Head ng SUKELCO, bilang Presidente ng LEXICON kasama sina Gm Allan Laniba ng NAGMEC at Amina Gumapac ng PECARES, mga miyembro ng EC Allied Organization.
Ang lahat ng mga parangal na ito ay inihahandog sa lahat mga empleyado lalong lalo na sa ating minamahal na member-consumer-owners.