Nagbabalik ang SUKELCO sa Barangay at apat na barangay na ng Bagumbayan ang napuntahan ng SUKELCO para sa dalawang araw na iskedyul nito noong January 30 at February 1, 2024.
Dinalaw ng inyong electric cooperative ang mga barangay ng Sison, Kapaya, Daguma, at Biwang kung saan nagsagawa ang ating mga empleyado mula sa Institutional Services Department ng Pre Membership Education Seminar (PMES) at tumanggap ng mga papeles mula sa member-consumer-owners (MCOs) may kinalaman sa Change of Account Name, Senior Citizen Discount at Lifeline Discount.
Kinalap rin ng SUKELCO ang iba’t-ibang concerns ng MCOs ukol sa serbisyo ng kuryente. Kasama rin sa naging pakay ng SUKELCO ang info-dissemination drive tungkol sa District Election, Annual General Membership Assembly at MCO re-organization.