Nagbabalik ang programang SUKELCO sa Barangay sa munisipyo ng Bagumbayan. Binisita ng mga taga-SUKELCO ang apat (4) na barangay ng Bagumbayan noong ika-19 ng Mayo (Titulok sa umaga at Kinayao sa hapon) at ika-21 ng Mayo, 2026 ( Masiag sa umaga at Chua sa hapon).
Sa naturang programa ay nagsagawa ng Pre-Membership Education Seminar (PMES) ang SUKELCO, ipinaliwanag ang proseso sa pagpapalit ng pangalan mula sa dating may-ari ng kuntador papunta sa kasalukuyang nagmamay-ari nito, inilahad rin ang mga kailangang dokumento para sa Senior Citizen at Lifeline Discount para sa 4Ps at Non-4Ps.
Pinasadahan rin ng SUKELCO Info Team ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa Anti-Power Line Obstruction Law, mga hakbang ukol sa pag-aaplay ng kuntador at ang mga samu’t-saring dahilan bakit nagkakaroon ng power interruption sa bayan ng Bagumbayan.
Matiwasay ring natapos ang programa na dala-dala ng mga taga-SUKELCO ang mga isinumiteng papeles ng mga MCOs para hindi na nila kailangan pang pumunta sa SUKELCO Area II Office sa Isulan para sa kanilang mahahalagang transaksyon may kinalaman sa kanilang kuryente.
Nakasama rin sa pagbisita ang direktor ng Bagumbayan/Sen.Ninoy Aquino District na si Dir. Ali Armie L. Mamalo. Maliban sa mga taga-ISD ay nagpaliwanag rin ukol sa technical operations si Engr. Leo I. Fontanilla (Area II Department Manager-OIC) at Engr. Alvino J. Manojo (Area II Division Supervisor).
Nagpapasalamat naman ang SUKELCO sa mga Kapitan na sina Hon. Jonard D. Arcańo (Titulok), Hon. Allan L. Tiedra (Kinayao), Hon. Arnie B. Lapidez (Masiag) at Hon. Villamor H. Diaz (Chua); at Barangay LGU officials sa pagtanggap ng malugod sa Info Team at pagpapahiram ng kanilang Barangay Gymnasium para sa maayos na pagpupulong.















































