Dumalo ang mga opisyales ng Barangay Power Association (BAPA) mula sa Lebak at Kalamansig sa isinagawang Meter Reading Digitalization Orientation ng SUKELCO.
Layunin ng inisyatibong ito na mapabilis ang pagbabasa ng mga kuntador at pagtransmit ng reading mula sa mga malalayong lugar papunta sa SUKELCO. Inaasahan ding lalong mapabilis ang preparasyon ng billing kapag nasimulan na ang nasabing digitalization program.
Full force naman ang presensya ng mga Board of Directors and Management sa pangunguna nina Board President Suraina Kalid at OIC General Manager Wilfredo Evangelista, PhD.
Sa kanilang mga mensahe, taos pusong pinasalamatan nina Pres. Kalid at GM Evangelista ang mga BAPA officers sa kanilang pagkukumahog na mapataas ang collection efficiency at mapababa naman ang system loss sa kani-kanilang mga BAPA
Samantala, nangako naman sina Lebak Board of Director, Vivencio Necesito Jr. at Kalamansig Board of Director Lloyd Sean Castillano na patuloy at lalo pang pag-iibayuhin ng SUKELCO ang serbisyo para sa mga Member-Consumer-Owner o MCO.




























