Nanaig para sa ikalawang termino si Vivencio E. Necesito, Jr. sa laban para sa posisyon ng SUKELCO Board of Director sa distrito ng Lebak matapos talunin ang kalaban na si Rafael C. Martelino noong ika-21 ng Hunyo, 2025.
Nagtala si Necesito ng kabuuang 1,768 boto, habang si Martelino ay nakakuha ng 1,640 boto, o may kabuuang 18.28% turnout votes ayon sa official canvassing na ginanap sa SUKELCO Area 3 Office, Poblacion, Lebak, Sultan Kudarat.
Agad siyang idineklara ng District Election Committee Members (DECOM) na pinamumunuan nina Atty. Kristoffer Francis Jacob C. Concha (Chairman), Reginald C. Abad (Member) at Roselita E. Berico (Member).
Ayon kay Dir. Necesito, ang kanyang tagumpay ay tagumpay rin ng mamamayan ng Lebak. “Lubos akong nagpapasalamat sa tiwala at suporta. Sisiguraduhin kong maririnig ang boses ng ating distrito sa pamunuan ng SUKELCO,” aniya sa isang panayam matapos ideklara ang kanyang pagkapanalo.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang SUKELCO sa lahat ng mga guro at empleyado na nagsilbi bilang Precinct Election Committee Members (PECOM) para masigurong maayos at payapa ang nasabing eleksiyon.








































